Saturday, February 28, 2009

filipino project

I. a. Panukalang Pahayag

Maraming masasamang epekto ang naidudulot ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong nanggagaling sa Tsina, katulad ng mga laruan at pagkain.

b. Introduksyon/Paglalahad ng Suliranin

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa mga masasamang epekto nanaidudulot ng masigasig na pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga imported na produkto. Ang mga Pilipino sa panahon ngayon ay mas gusto ang mga imported na produkto marahil ay dahil sa sikat at tibay nito. Dahilan na rin sa mababang ekonomiya ng bansa. Ang mga kumpanya ay sinusubukang ibaba ang mga presyo ng produktong Pilipino ngunit kapalit naman ay ang mababang kalidad kung kaya’t nahihirapan sila ibaba ang presyo, ito ay maaaring isa sa mga dahilan kung bakit tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga produktong ng ibang bansa dahil mura ito at hindi na napapansin ng tao ang kalidad nito. Karamihan ng mga Pilipino noon ay hindi gaanong tinatangkilik ang mga produktong imported o ang mga galing sa bansang Tsina. Ngunit sa kasalukuyan, iba na ang pananaw ng bawat Pilipino sa ating bansa.
Ito ay isang personal na udyok sa pagpili ng paksa sapagkat maraming masasamang epekto ang kinalalabasan ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa banyagang produkto kaysa sa kanilang sariling produkto. Makapagdudulot ito ng hindi magandang epekto katulad na lamang ng problema sa kalusugan ng mga tao. Sapagkat dapat Makita ng mga Pilipino na ang pagtangkilik sa mga imported na produkto ay nakapagdudulot ng masamang epekto sa ekonomiya, minsan ay hindi rin ito matibay at masama sa kalusugan. Dapat makita ng mga Pilipino na maraming produkto ang Pilipinas na dapat lamang tangkilikin.

c. Rebyu/Pag-aaral

Sources:

TV Patrol Linggo, Setyembre 28, 2008
Abs-cbnNEWS.com 09/29/2008 12:52 AM

Ayon sa aming nakalap na impormasyon na nagmula sa balita ng TV Parol Linggo, noong nakaraang Setyembre 28, 2008. Ilan sa mga supermarket ay patuloy parin ang pagbebenta ng mga gatas at tsokolate na kabilang sa mga susuriin ng Bureau of Food and Drugs na pinaghihinalaang may kemikal na melamine. Dahil sa kakulangan ng gamit at tao, prayoridad muna ng DOH na masuri ang mga gatas. Saka pa lang isusunod ang pagsusuri ng mga tsokolate at iba pang dairy products, at ang iba pang produkto na may halong gatas. Sa kabilang banda, sa bansang Amerika, kusa nilang ipinatanggal ang mga produktong pinaghihinlaang kontaminado ng melamine katulad ng mga kape at milk tea.
Ayon kay Evelyn Macairan ng Phiippine Star sa kanyang artikulo noong Oktubre 23, 2008 sinabi ng BOC o Bureau Of Customs na masusi nilang pababantayan ang mga imported na ham na papasok sa Pilipinas na galing sa Tsina, America, Austrlia at ibang bansa sa Europa dahil pinaghihinalaang smuggled ang mga ito. Ayon pa rin Kay Evelyn Macarain, noong nakaraang Setyembre 2006 ilang Customs personnel ang natanggal sa pwesto na sinasabing hindi nagampanan ang kanilang tungkulin na pigilin ang pagpapasok ng mga smuggled na karne ng baboy at manok na galing sa Tsina.
Dahil sa mga balitang ito naging masigla ang industriya ng mga gumagawa ng gatas sa Pilipinas. Mas naging metikuloso sa pamimili ang mga Pilipino busod ng mga babala tungkol sa pagkakaroon ng melamine sa mga gatas na gawa sa Tsina na mabenta sa merkado.


Bentahan ng sariwang gatas ng kalabaw dumami
Kasunod ng melamine scare, naging mabenta naman ang sariwang gatas ng kalabaw.
Kung dati-rati ay maghapong di nauubos ang kanilang mga stock, ngayon bago pa magtanghali, nabenta na ang lahat ng kanilang stock na umaabot sa 200 litro.
Ikinalugod naman ito ng mga magsasaka ng Nueva Ecija na umaasa ng dagdag na kita sa industriya ng gatas.
Ayon sa kanila, sa harap ng banta ng melamine dahil sa mga gatas na ating inaangkat mula sa China makabubuting tumangkilik na muna ng sariling atin, at nakakatulong sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Ibang produktong gawang China mabenta pa rin
Sa kabila ng sinasabing milk scare, mabili pa rin ang mga iba pang produktong gawa sa China. Bukod daw kasi sa imported na ang dating, mura pa.
Nilinaw ng DTI, maging DOH, na sa mga milk at dairy products lang nila pinag-iingat ang publiko at hindi kasali ang iba pang produktong made in China.
Pero paalala ng gobyerno sa publiko, maging mapanuri sa bibilhing produkto.

BOC to clamp down on imported ham, meat products

By: Evelyn Macairan (Phil. Star)
Updated October 23, 2008 12:00 AM

Ayon sa Bureau of Customs(BOC), ay mahigpit na nilang aasikasuhin ang pagpasok ng imported ham at iba pang produktong karne sa ating bansa tuwing my okasyon.
Ang “intelligence chief” ng BOC Customs Intelligence and Investigation Service o CIIS na si Fernandino Tuason, ay nag desisyon na susuriin nilang mabuti ang lahat ng papasok na produkto dito sa ating bansa. Lahat ng papasok na “refrigerated goods” sa ating bansa ay dadaan sa matinding pagsusuri.
Ayon kay Fernando Tuason, ay hindi lang sila ang dapat sisihin sa mga nakakapuslit na imported na produkto sa ating bansa dahil may iba pang ahensya na tumutulong sa kanila, kagaya ng National Meat Inspection Service and Bureau of Food and Drugs.
Karamihan sa mga ham at iba pang produktong karne ay nanggagaling sa bansang Tsina, Australia, Estados Unidos at iba pang European na bansa.
Noong Setyembre 2006, ang mga empleyado ng Adwana na si Camilio Jolejole, Joel de Guzman at Manuel Navarro ay natanggal sa kanilang pwesto dahil sa pagkabigong harangin ang mga “smuggled goods” na naghahalagang P11.2 million na “frozen goods” galing Tsina.

PINOY TAYO: Lason, made in China

Ni Armando “Ka Amading” Corneho, October 13, 2008

Noong una, sa tingin ko’y mukhang histerikal lamang ang pagtrato ng media sa paglaganap sa mga pamilihan sa buong daigdig ng mga produktong gatas na may lamang melamine na galing China.
Sa loob ko, baka bahagi lamang ito ng sumisidhing kompetisyon ng mayayamang bansa sa pandaigdig na pamilihan. Komo mura, matindi nga naman ang pananalasa ng mga produktong Tsino sa mga palengke sa buong mundo.
Aba, ilang linggo ring nagulo’t nalito tayo sanhi nang napaulat na presensya ng melamine sa mga produktong gatas, o mga produktong may halong gatas tulad ng kendi, tsokolate, at iba pa na mula sa China.
Ni-raid ng mga awtoridad ang ilang tindahan sa Maynila kahit tumututol ang mga may-ari ng mga supermarket.


d. Layunin

- Layunin ng pagsasaliksik na ito na makatulong sa pagbibigay ng mga babala sa masasamang epekto sa patuloy na tumataas na bilang ng dami ng mga taong tumatangkilik sa imported na produkto.
- Layunin ng pananliksik na ito na makatulong na maipakita na sa halip na produkto ng ibang bansa ang tangkilikin ay ang sariling produkto ng ating bansa ang nararapat na kagiliwan.
- Layunin ng pananaliksik na ito ang makaambag ng karagdagang impormasyon upang makatulong sa ekonomiya ng gating bansa
- Layunin ng pananaliksik na ito ang makatulong at makapag bigay ng karagdagang kaalaman ukol sa kalusugan ng mga mamamayan na naidudulot ng kanilang pagtangkilik sa mga produktong imported.

e. Halaga

Ang research na ito ay mahalga dahil ito ay makatutulong na maipakita ang mga masasamang epekto na naidudulot ng pagtangkilik nating mga Pilipino sa mga banyagang produkto. Isang halimbawa ay ang pagtangkilik sa mga produktong Asyano din. Maipapakita ng pag-aaral na ito na mas mahalaga ang pagtangkilik sa sariling produkto kaysa ibang produkto. Ang pagtangkilik sa mga produktong Pilipino ay ipinapakita ang mga kagalingan ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang makatulong sa mahusay na pagpili ng mga Pilipino sa mga produktong kanilang tatangkilikin.

f. Konseptuwal na balangkas





g. Metodolohiya

Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito, isang survey at interview ang gagawin upang makadagdag sa mga impormasyon na kinakailangan sa pagsasaayos ng pag-aaral. Ang paghahanap din ng mga libro o iba pang mga materyales ay makatutulong sa pagpapalawak ng mga kaalman sa paksa.

h. Saklaw/Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa masasamang epekto na naidudulot ng mga produkto na nagmumula sa bansang Tsina at ang pagtangkilik ng mga Pilipino mapamayaman o mahirap at estudyante o empleyado. Ang mga produktong tinutukoy dito ay mga pagkain at laruan na nagmumula sa bansang Tsina. Ang pananaliksik na ito ay sinimulan noong Nobyembre 2008 at nag tapos noong ika-27 Pebrero 2009.





i. Daloy ng Pag-aaral

Sa unang bahagi ng pananaliksik na ito ay ipinakikita ang kahalagahan ng pagpapaalam sa tao ng mga epekto ng masugid na pagtangkilik sa mga imported na produkto lalo na ang mga galing sa Tsina. Ang sumunod dito ay ang katawan ng pananaliksik na nagpapakita ng mga resulta o ang mga naging sagot ng mga taong aming napiling interbyuhin na sa tingin namin ay makakatulong sa aming pananaliksik. Sa huling bahagi ay ipinapakita ang konklusyon na nagsasabi kung totoo o hindi ang inyong panukalang pahayag at ang rekomendasyon na nagbibigay ng ibang ideya sa mga mambabasa kung paano gagawin ang pananaliksik.

II. A. Ang Kasaysayan ng Kalakalan sa Pagitan ng Pilipinas at Tsina

Nagsimula pa noong unang panahon ang kalakalan, palitan ng produkto o ang tinatawag na “barter” ng iba’t-ibang bansa sa Asya at sa buong mundo. Pangkaraniwan sa ipinagpapalit na kalakal noon ay pagkain at mga kasangkapan. Isa sa pinakamalapit na kapalitan ng kalakal noon ng Pilipinas ay ang Tsina. Sila din ang kauna-unahang mangangalakal na dayuhan dito sa ating bansa. Kadalasan nilang ipinapalit ay porselana at pagkain.
Marami pa ang mga dayuhan ang nakipagkalakalan dito sa Pilipinas kasabay ng pagkakasakop ng ibat-ibang bansa sa ating bayan. Ang mga ito ay ang Kastila, Amerikano, at Hapones. Nagdala sila ng kani-kanilang produkto dito sa ating bayan katulad ng magarang damit, sapatos, tsokolate at iba. Mga produktong naging maganda at masarap sa panlasa ng mga tao.
Sa paglipas ng panahon ay naiba na ang takbo ng kalakalan sa bansa. Naiba na rin ang pananaw ng mga tao sa produktong Pilipino. Umiral ang ating colonial mentality o yung masyadong pagtangkilik sa banyagang produkto. Mas tinangkilik pa natin ang gawa ng iba kaysa sariling produkto. Mababang uri ang tingin ng marami kapag yari ng Pilipino. Hindi alintana ng kapwa nating Pilipino ang masamang epekto ng labis nilang pagtangkilik sa mga ito. Hindi nila alam ang ilang masamang epekto nito sa kanila at pati na rin sa humihina nating ekonomiya.
Marami sa mga Pilipino na nakakaangat sa pamumuhay ay puro imported ang binibili, katulad ng damit, sapatos, alahas, bag, tsokolate, prutas at iba pa. Hindi naman natin sila masisi sapagkat marami sa produktong yari o inaani sa ating bansa ay mas mataas ang presyo kaysa sa mga imported na kalakal. Katulad na lamang ng bayabas na napayaman sa bitamina ay mas mahal pa kaysa sa mansanas na inaangkat buhat sa ibang bansa.
Ang ilang Pilipino, partikular ang nasa sektor ng agrikultura, ay hirap upang gawing mas mababa o kaparis ng presyo ng produktong banyaga ang kanilang ani dahil sa laki ng kanilang puhunan. Ito sa dahilan na ang ating pamahalaan ay kulang sa mga ayuda o suporta sa ating mga magsasaka. Kahit pa sabihin na ang produkto nating mga Pilipino ay mahusay at mas mainam, imported pa rin ang ginugusto ng tao. Ang ganitong sitwasyon sa kalakalan ay hindi magdudulot ng maganda sa ating ekonomiya. Ang kalagayang ito ang nagbunsod sa amin upang alamin ang masamang epekto at labis na pagtangkilik ng mga Pilpino sa mga imported na produkto.


b. Sarbey

Mga kinapanayam:

Philipp Agabin - Assisatant Manager, Bee Tin Grocery (Binondo, Manila).
Karen Martinez – Saleslady, Toy Store (168)
Rose Simbillo – Saleslady, MCG Toys (Divisoria Mall).
Jonel Renoballes – Staff, Kids Generation Toy Store.

Litrato Ni Ms. Karen Martinez at Ms. Rose:


1. Gaano kadami ang bumibili sa inyong tindahan ng mga produkto na galing Tsina sa isang araw? Estimate.

Ayon kay Jonel V. Renoballes, empelyado ng Kids Generation Toy Store. Ang estimate nilang bumibili ng mga produkto na galing Tsina ay pito hanggang sampung piraso. Ayon naman kay Philipp Agabin, Assistant Manager ng Bee Tin Grocery, nasa tatlumpung pamilya ang bumibili ng kanilang mga produktong galing Tsina. Bawat pamilya ay bumibili ng sampu o higit pang mga produkto. Ayon naman kay Karen Martinez isang saleslady sa isang maliit na toy store sa 168 mall, higit sa dalawampung produkto ang kanilang naibebenta sa isang araw. At ang panghuli ay si Rose Simbillo na isa ring saleslady sa MCG Toys malapit sa Divisoria mall, ayon sa kanya kapag wholesaler labingwalo hanggang dalawampung piraso o higit pa ang naibebenta. Kapag retailer ay mas konti dalawa o tatlong produkto lamang bawat tao.
2. Ano ang karaniwang binibili at bakit mas pinipili nila itong bilin?

Ayon kay Jonel V. Renoballes ang karniwang binibili sa kanilang tindahan ay mga laruan dahil sa ito ay mura at kilala na ng mga tao ang kanilang tindahan. Ganito rin ang naging sagot nina Rse Simbillo at Karen Matinez, sila ay nagbanggit rin ng mga espisipikong laruan na binibili sa kanila ng mga tao katulad ng mga barbie doll at beyblade. Ayon naman kay Philipp Agabin ang mga karaniwang binibili ng mga Chinese ay mga lugaw, canned goods, juice, minatamis at mga pinreserbang prutas. Ang karaniwang binibili naman ng mga Pilipino ay ay mani, minatamis at pinresrbang prutas, at binibili nila ito dahil sa bihira lang sila makakita ng mga ganitong produkto.

3. Nakaranas na ba kayo ng mga produkto na ibinalik? Ano ang ginawa sa mga binalik na produkto?

Ayon kay Jonel Renoballes ay hindi pa sila nkakaranas ng mga produkto na ibinabalik sa kanila. Ayon naman kay Philipp Agabin ay nakaranas na sila ng ganitng pangyayari, mga bukas at hindi pa nagagamit ang mga ibinabalik at pinapalitan nila ito ng bago. Ang sabi naman ni Karen Mertinez ay nakaranas na rin sila at itinatapn na nila ng mga laruan na ibainabalik sa kanila.

III. a. Pangwakas

Nitong nakaraang taon, naglabasan ang samo’t saring balita tungkol sa mga imported na produkto, partikular sa mga produkto galing Tsina. Isa sa mga balitang ito ang pagkakaroon ng melamine ng mga gatas galing sa Tsina. Ang melamine ay isang uri ng puting kemikal na nagdudulot ng pagkasira ng “kidney” at mapanganib ito lalo na sa mga sanggol. Hindi lamang sa Pilipinas kumalat ang balita na pagkakaroon ng melamine ng mga produktong gawa sa Tsina partikular na ang mga hinahaluan ng gatas, maging sa Estados Unidos ay nakaapekto rin ito. Noong Septyembre 2006, ang mga kawani ng BOC o Bureau of Customs na kinabibilangan nina Camilo Jolejole, Joel de Guzman at Manuel Navarro ay natanggal sa kanilang posisyon dahil sila ay napagbintangan na hindi nila napigilan ang pagpasok ng mga “smuggled” na pinalamig na karne ng baboy at manok galing Tsina.
Noong nakaraang taon lamang ay samu’t saring balita tungkol sa mga produktong galing Tsina ang naglabasan sa mga dyaryo at telebisyon. Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ng mataas na lead content ng mga laruan galing sa bansang Tsina.
Batay sa aming ginawang sarbey lumabas na kulang sa kaalaman ang mga mamamayang Pilipino sa masasamang epekto na naidudulot ng kanilang pagtangkilik sa mga priduktong nanggagaling sa Tsina. Sa sampung tao na aming tinanong, lahat sila ay naniniwalang walang mabuting maidudulot sa ekonomiya ng bansa ang labis na pagtangkilik ng mga Pilipino sa imported na produkto. Isa sa sampung taong aming tinanong ang nagsabing nang nawala ang mga masasamang balita tungkol sa mga produktong galing Tsina ay bumili na ulit siya ng mga ito. Sa kabila ng masamang ekonomiya na nararanasan ng buong mundo ngayon ay naniniwala pa rin ang maraming Pilipino na may iba pang paraan para mapaunlad ang ating ekonomiya. Ngunit dahil sa melamine scare ay tumaas ang porsyento ng tumatangkilik ng sariwang gatas ng kalabaw.
Ayon sa kanila, sa harap ng banta nga melamine dahil sa mga gatas na ating inaangkat mula sa Tsina makabubuting tumangkilik na muna ng sariling atin, at nakakatulong pa sa kabuhayan ng mga magsasaka.

b. Konklusyon

Ayon sa nakuha naming mga datos masasabi na marami paring mga Pilipino ang tumatangkilik sa mga produkto na galing sa Tsina. Sa aming sarbey sa kapwa naming mga estudyante, lumalabas na kahit sila ay bumibili parin ng mga produktong galing Tsina. Dahil ito sa kakulangan ng kanilang kaalaman tungkol sa mga epekto nito sa mga tao. Sa kabila ng mga bali-balita, ay patuloy parin ang kanilang pagtangkilik dito dahil sa mura nitong presyo kahit na ang kalidad nito ay mababa. Ang mga mamamayang Pilipino ay mahilig bumili ng mga produktong mura lalo na ang mga produktong makikita sa Divisoria, na ang karamihan ng ipinagbibili dito ay produkto na galing sa Tsina. Ngunit kahit sila ay bumibili nito naniniwala parin sila na makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas.

c. Rekomendasyon

Sa mga nakalap na datos, ang mga taong pinagtanungan ay mga estudyante lamang, at maaaring ang pagiging estudyante nila ay nakaapekto sa kanilang mga sagot. Maaaring subukang isarbey ang mas nakakatanda o ang mga propesyonal dahil may sarili na silang pera para makapamili ng gusto nilang bilhin. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na hindi lamang dapat ang mga produktong galing Tsina ang pag-aralan, maraming mga produktong mura na galing sa ibang bansa ang maaaring subukan upang makita ang kalidad nito. Hindi lamang naman ang bansang Tsina ang kinagigiliwang bilin ng mga Pilipino ngunit mayroon din na nanggagaling sa ibang bansa.

Pagpapasalamat
Pinapasalamatan ng mga mananaliksik ang Panginoon sa pagbibigay karunungan at kalakasan na knyang ipinagkaloob, ang aming guro na si Bb. Beverly Siy dahil sa kanyang matiyagang pagtuturo at pagbabahagi sa aming mga estudyante ng mga bagay na dapat malaman at ang mga taong sumagot ng walang pagaalinlangan sa aming sarbey.

Talaan ng sanggunian
http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/22/08/bfad-finds-melamine-two-more-food-products
http://www.merck-chemicals.com/melamine-analysis-in-food/c_Ab.b.s1OpZIAAAEcvvpyz57S?WT.srch=1&WT.mc_id=MC000033
www.inq7.net